• The Author

  • About the Author

  • Add to Technorati Favorites
  • US Premiere of Antonio’s Secret: Rochester, New York, October 2008

  • Out on DVD: Ang Lalake sa Parola (The Man in the Lighthouse)

  • Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

  • Personal - Top Blogs Philippines
  • Advertisements

Anim na Buwan

This poem is my gift to my most beloved as we celebrate the sixth month of our relationship:

 

tula ni Lex Bonife para kay JDG.

 

Anim na buwan. Kalahating Taon. Halos dalawang daang araw. 

Matagal man o sandali/ Sa isipan nang kungsinuman ang magpapalipas nito/Hindi na mahalaga kung paano pa ito bibilangin 

Dahil ang kahulugan nang lumipas na anim na buwan/ Ay higit pa sa daan daang buwan na tumakbo sa aking buhay

Dahil ang mga piling sandali ng iyong mga yakap at ngiti/ Ay daig pa ang libo-libong kahapon ng aking nakaraan. 

Anim na buwan. Kalahating Taon. Halos dalawang daang araw. 

Buhayin ko man at ulit-ulitin/ Sa aking isipan maski sa panaginip man/ Hindi ako mapapagod sa pagbibilang  

Maghintay man ako buong buhay/ Maulit lamang ang anim na buwan na ito, Magagawa ko itong hindi napapagod ni hindi nababagot/ Maranasan ko lang muli ang iyong pag-ibig ng isa pang… 

Anim na buwan. Kalahating Taon. Halos dalawang daang araw.

Advertisements